6
2
Globo
GLOBO
Ang salitang "Globo" ay nagmula sa salitang Latin na globus, na ang ibig sabihin ay "Globo". Ang globo ay tinatawag na pinakamalapit na modelo ng Mundo dahil halos isang oblate spheroid ito. Ang mga Griyego ang unang gumawa ng Globo. Ito ay ginawa ni Crates noong 150 B.C.
Bagama't ang masasabing pinakamatandang globong buo pa rin magpahanggang ngayon ay makikita sa Museo ng Nuremberg sa Germany. Ito ay ginawa noong 1492 ni Martin Behaim. Ang kontinente ng Europa lamang ang nakikita sa globong ito.
Nilalaman ng Globo
Makikita sa Globo ang mga distansiya, lokasyon, direksiyon, hugis, at sukat ng mga lugar sa ibabaw ng Mundo. Ang tunay na proporsiyon ng mga kontinente at mga karagatan ay naipakikita sa globo kaya't ang pag-aaral sa pag-uugnayan ng mga kontinente, rehiyon, at bansa ay lalong nagiging madali.
Ang Globo ay may iba't ibang mga guhit na nasa isip lamang (imaginary line). Sinasabing nasa isip lamang ang mga ito dahil kung titingnan talaga natin ang Mundo, wala ang mga guhit na ito. Nilikha lamang ang mga ito upang matukoy ang tiyak na lokasyon, hugis, laki, at sukat ng mga lugar dito.
|